Daan-daan milyong dolyar na Space X rocket, sumabog sa Florida, USA

By Jay Dones September 02, 2016 - 12:39 AM

 

AP Photo

Hindi pa man nakakarating sa kalawakan, sumabog na ang unmanned Space X Falcon 9 rocket habang ito ay nasa launch pad ng Cape Canaveral sa Florida USA.

Ang Space X project na pinangungunahan ng entreprenor na si Elon Musk ay naglalayong gawin sanang mas moderno ang space launch industry sa pamamagitan ng pag-imbento ng mga reusable rocket components.

Kinumpirma ng NASA, na sumasalang sa mga pagsusuri at dry fire exercise ang Space X Falcon 9 rocket nang bigla itong sumiklab at tuluyang sumabog.

Dahil sa pagsabog, wasak din ang payload na isang Israeli satellite na nagkakahalaga ng 200 milyong dolyar na siyang dapat sana nitong ihahatid sa kalawakan.

Naging ‘revolutionary’ ang Space X  rocket project dahil pagkatapos nitong maihatid ang kanyang payload sa kalawakan, ay nagagawa nitong mag-landing muli sa lupa upang magamit muli  sa ibang pagkakataon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.