UP Diliman nakatanggap ng bomb threat mula umano sa Abu Sayyaf
Binulabog ng ‘bomb threat’ ang UP Campus sa Diliman Huwebes ng hapon.
Ayon kay UP Chancellor Michael Tan, nakatanggap ng text ang maintenance office hotline ng unibersidad na sinasabing isang bomba ang itinanim sa hindi binanggit na lugar at sasabog umano dakong alas 3:30 ng hapon.
“Naglagay kami ng maga bomba na naka2lat sa UP Diliman. SDa2bog ang ito pagkatapos ng pagda2sl naming ng 3:30 PM,” nilalaman ng mensahe sa text ng hindi nagpakilalang texter.
Bilang ganti umano ito sa mga pag-atakeng nagaganap sa lalawigan bayan ng Patikul, Sulu.
Gayunman, sumapit ang takdang oras, walang bombang sumabog.
Sa kabila nito, ipinag-utos ng pamunuan ng UP Diliman sa kanilang mga security forces na maging alerto upang hindi malusutan ng mga nais na maghasik ng kaguluhan sa loob ng unibersidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.