Dating sikat na aktor nag-aambisyon ng juicy position sa gobyerno-Wacky Leaks ni Den Macaranas

September 01, 2016 - 11:30 PM

 

den-macaranas1Habang nalalapit na ang pagbaba sa pwesto ng isang sikat na government official ay nadadalas naman ang pagpapa cute sa Malakanyang ng isang may edad na rin na aktor.

Gusto kasi ng aktor na ito na makuha ang nasabing pwesto makaraan siyang alatin sa ilang mga eleksyon na kanyang nilahukan.

Sinabi ng ating Cricket sa showbiz world na kailangan ni Sir ng trabaho dahil apektado na ang kanyang income.

Bukod sa walang pelikula ay wala rin siyang raket sa kasalukuyan.

Dati na rin siyang na-involved sa isang mayamang negosyante ang ating bida pero makalipas ang ilang taon ay iniwan din niya ito.

Napansin kasi ng super rich na busimesswoman na pera lang gusto sa kanyang ng gwapitong action stars.

Na-inlab din ito sa isa pang kontrobersiyal na aktres kung saan ay nagkaroon pa sila ng anak pero di rin ito nagtagal na ginawa niyanh sugar mommy ang actress na higit namang mas bata sa kanya.

May balita rin na naging boyfriend siya ng isang baklitang negosyante na hindi rin naman nagtagal sa kanya dahil sa pagpatol nito sa ilang higit na mas batang mga aktor.

Kumbaga ay markado na ang ating bida pagdating sa pag-gawa ng pera.

Totoo namang naging tagasuporta siya ng pangulo lalo na noong panahon ng halalan, pero tulad ng marami sa kanila itong ating bida ay umaasa rin na mabibigyan ng pwesto sa gobyerno.

Pero sinabi ng ating Cricket na baka mahirapan itong si action star na makamit ang kanyang ambisyon dahil ang kaagaw niya sa pwesto ay anak-anakan ng isang dating panhulo ng bansa.

Kumbaga sa laban ay medyo dehado ang ating bida kaya naman doble-kayod ito na makuha ang nasabing pwesto na related naman sa mundong kanyang ginagalawan.

Ang action star na humihirit ng pwesto sa Malakanyang ay si Mr. P….as in Pili..

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.