Duterte sanay sa mga banta, PSG naghigpit na rin seguridad para sa First Family

By Chona Yu September 01, 2016 - 04:13 PM

duterte01Nag-aalala subalit hindi nababahala ang pangulong Rodrigo duterte sa nabunyag na assassination plot sa kanya.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto abella, hindi na bago sa pangulo ang anumang banta sa kanyang buhay lalo na ngayong humaharap sa maraming giyera ang administrasyon.

Katunayan, ayon kay abella, hindi na bago na inaalmusal ng pangulo ang death threat sa kanyang buhay.

Dagdag ni Abella, batid ng pangulo na marami siyang nasasagasaan bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga, terorismo at kriminalidad.

Pinaka-bago sa mga bantang ito ang ibinunyag ng isang nahuling gun smuggler kung saan ay may mga bumili umano ng mga piyesa ng baril sa kanilang online store at gagamitin umano ang mga ito para patayin ang pangulo.

Kasalukuyang nasa custody na ng Philippine National Police ang pinuno ng grupo na si Bryan Ta-ala.

TAGS: abella, duterte, Malakanyang, abella, duterte, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.