Cong. Espino, humarap kay Pangulong Duterte, itinanggi na sangkot siya sa drugs

By Isa Avendaño-Umali September 01, 2016 - 04:33 AM

 

Amado Espino Jr.Personal na nagpaliwanag si Pangasinan Rep. Amado Espino kay Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagkakasangkot nito sa Bilibid drug matrix.

Sa kanyang statement, sinabi ni Espino na sa kanyang pakikipagpulong sa Pangulo sa Malakanyang kahapon ay hiniling niya na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa nasabing matrix.

Tiniyak din ng Kongresista sa Presidente ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa anti drug campaign at iba pang proyekto ng kasalukuyang gobyerno.

Kasabay nito, inisa-isa ni Espino ang mga dahilan kung bakit hindi totoong sangkot sya sa ilegal na droga.

Nagtataka ang kongresista kung paano siya nadawit sa transaksyon ng ilegal na droga kasama ni Sen. Leila de Lima.

Ani Espino, noong kalihim si de Lima ng Department of Justice ay naging parte ang Lady Solon ng plot para masira ang kanyang reputasyon at sinampahan siya ng mga kaso.

Makikita rin aniya sa kanyang mga service record na mula noong pnp officer palang sya hanggang sa maging gobernador at kongresista ay mahigpit ang kanyang kampanya sa iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.