Mataas na opisyal sa North Korea, pinarusahan ng kamatayan

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2016 - 11:41 AM

EPA AFP Photo
EPA AFP Photo

Pinatawan ng execution ang Vice-Premier for Education ng North Korea, dahil sa hindi umano pagsunod sa kautusan ni North Korean leader Kim Jong Un.

Ayon kay South Korea Unification Ministry spokesman Jeong Joon Hee, si North Korean Vice-Premier for Education Kim Yong Jin ay pinatawan ng execution, habang pinarusahan din ang dalawa pang mataas na opisyal.

Si Kim Yong Jin ang namamahala sa education affairs sa North Korea.

Tinukoy sin Kim Yong Chol, pinuno ng United Front Department ng North Korea at humahawak sa inter-Korean relations, ay pinagsailalim naman sa “revolutionary measures”.

Walang sinabing partikular na dahilan ang South Korea kung bakit pinatawan ng kamatayan ang nasabing opisyal, pero isa sa tinitignan ay ang hindi nito pagsunod sa kautusan ng North Korean leader.

 

 

 

TAGS: North Korean Vice Premier for Education executed, North Korean Vice Premier for Education executed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.