Experimental odd-even scheme ipatutupad na sa Pasig simula bukas, mga motorista, umalma
Magpapatupad ng experimental na odd-even scheme sa mga major roads sa Pasig City simula bukas, September 1.
Kabilang sa mga lansangan na sakop ng odd-even scheme simula bukas ang mga sumusnod:
– Elisco Road westbound
– R. Jabson Street northbound
– Intersection ng Elisco Road, M. Concepcion Street, at R. Jabson Street
– San Guillermo Street eastbound
– Sandoval Avenue northbound
Ang sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa even number ay hindi pwedeng dumaan sa nabanggit na mga kalsada sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Habang ang mga sasakyan na ang plate numbers ay nagtatapos sa odd numbers ay hindi pwedeng dumaan sa nabanggit na mga kalsada sa araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo.
Ayon sa command center ng Pasig City, alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi ang pag-iral ng bagong traffic sheme at tanging ang mga PUJ, UV Express, School services at emergency vehicles lamang ang exempted.
Ikinagalit naman ng mga motorista lalo na ang mga residente ng lungsod ang nasabing traffic scheme sa Pasig.
Para kasi sa mga nag-oopisina ng mula Lunes hanggang Biyernes, nangangahulugan ito na Martes at Huwebes lamang sila makakapagdala ng sasakyan kung ang plate number nila ay nagtatapos sa even number.
Habang tatlong araw lamang makagagamit ng sasakyan ang mga motorist na ang plate number ay nagtatapos sa odd number.
Giit pa ng mga motorista, wala namang ibinigay na alternatibong daanan ang Traffic and Parking Management Office ng Pasig City.
Dapat din umanong pagtuunan ng pansin ng TPMO ang mga ilegal na nakaparada sa mga lansangan at ang anila ay walang mga disiplinang tricycle driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.