Low Pressure Area, binabantayan ng PAGASA sa Batanes
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na huling namataan sa 120 kilometers East Southeast ng Basco, Batanes.
Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, maliit pa ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.
Ngayong araw, magiging maulap ang papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Ilocos Region, mga lalawigan ng Benguet, Cagayan, Zambales, Bataan, Batanes Island, Calayan at Bauyan Island.
Bahagyang maulap naman hanggang sa maulap na papawirin ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Wala namang nakikitang bagyo ang PAGASA na papalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.