‘No bail recommended’ para sa Amerikanong nagpasok ng cocaine sa Clark

By Kabie Aenlle August 31, 2016 - 04:00 AM

 

Larawan mula sa CRK

Hindi pinayagang mag-lagak ng pyansa ang American national na si Allan Soo Hoo, na naaresto sa pagbi-bitbit ng cocaine sa Clark International Airport (CRK).

Narekober mula kay Hoo ang 2.4 kilos ng cocaine na nakalagay sa kaniyang trolley bag noong Linggo, dahilan para kasuhan siya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng drug trafficking.

Nakumpirma ng PDEA base sa kanilang imbestigasyon na cocaine nga ang laman ng bag ni Hoo, at may halaga ito na aabot sa P18 milyon.

Nanggaling sa Dubai si Hoo sakay ng Emirates flight EK 338 at bumaba sa CRK, Linggo ng gabi.

Nadetine ang 68-anyos na si Hoo sa Angeles City, pero hiniling ng PDEA na isailalim ito sa kanilang kustodiya sa kanilang regional police headquarters sa Camp Olivas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.