Mga Security breach, nadiskubre ng FBI sa 2 state-voter systems

By Kabie Aenlle August 30, 2016 - 04:16 AM

 

vote hereHinihimok ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang mga U.S. election officials na mas higpitan pa ang computer security na kanilang ginagamit.

Ito ay matapos nilang madiskubre ang mga ebidensyang tinarget ng mga hackers ang dalawang state election databases nitong mga nagdaang linggo.

Inilabas ang paalalang ito sa flash alert mula sa FBI Cyber Division noong August 18.

Naaalarma na ang mga U.S. intelligence officials na posibleng guluhin ng mga hackers na sponsored ng Russia o ng iba pang bansa ang presidential election sa Nobyembre.

Ayon sa mga cyber security experts, maaring ginawa ng mga tauhan ng gobyerno ng Russia ang breaches sa Democratic National Committee at Democratic Party.

Bagaman hindi tinukoy sa FBI warning kung ano ang dalawang estado na na-target ng cyber attackers, sinabi ng Yahoo News na ayon sa kanilang mga sources, ito ay ang Arizona at Illinois.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.