‘Hindi ako magre-resign’ – De Lima

By Jay Dones August 30, 2016 - 03:28 AM

 

Inquirer file photo

Walang balak si Senador Leila De Lima na magbitiw sa kanyang puwesto bilang senador.

Ito ay sa kabila ng mga bagong banat at panlalait sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni De Lima, sumagi na rin sa kanyang isipan ang magbitiw na lamang sa tungkulin nang una siyang idawit ni Pangulong Duterte sa iligal na droga, bagay na mariin itinatanggi ng senadora.

Gayunman, nagdesisyon siyang mananatili sa kanyang puwesto dahil kung magre-resign siya aniya ay mistula na niyang inamin na siya ay mahina at ‘guilty’ sa mga akusasyon.

“Resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness. And I’m neither weak nor guilty,” giit ni De Lima.

Tumanggi na rin si De Lima na sagutin pa ang mga alegasyon laban sa kanya dahil wala naman aniyang katotohanan ang mga bintang.

Matatandaang sa pinakahuling banat ng pangulo sa panayam ng media sa Tacloban City, pinagbibitiw na nito sa De Lima at sinabihan pang mag-bigti na lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.