BPI clients, may hanggang Sept. 30  na lamang para mag-update ng personal information

By Kabie Aenlle August 30, 2016 - 04:28 AM

 

bpi logoPinaalalahanan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang kanilang mga kliyente na i-update ang kanilang mga impormasyon kung ayaw nilang mawalan ng access sa kanilang mga accounts sa automated teller machines (ATM), online at mobile banking.

Ayon sa BPI, kailangang magsumite ng updated na Customer Information Sheet (CIS) at Foreign Account Tax (FATCA) Form sa anumang branch ng BPI.

Iniurong rin ng BPI ang kanilang deadline sa pagsusumite ng mga nasabing dokumento, na mula sa August 31 ay ginawa nang September 30, 2016.

Sa kanilang advisory, kailangang isumite ng kliyente ang original copy ng mga nasabing forms na may kasamang photocopy ng isang valid, recent at photo-bearing ID.

Maari anilang isumite ang mga ito sa branch na pinakamalapit sa iyo o kaya ay ipadala via mail.

Babala ng BPI, kung hindi makakapag-update ang mga kliyente nila bago o sa mismong deadline, over-the-counter lamang ang magagamit nilang serbisyo para sa mga transaksyon.

Mawawalan kasi ng access ang mga kliyente sa kanilang account sa electronic channels ng BPI tulad ng ATM, Online at Mobile hangga’t hindi sila nagsusumite ng CIS at ID.

Ginawa ng BPI ang nasabing abiso alinsunod na rin sa inilabas na circular ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.