Higit sa 300 ‘reindeer’ patay sa kidlat sa Norway

By Jay Dones August 30, 2016 - 04:17 AM

 

AFP Photo

Nasa mahigit tatlong daang ‘reindeer’ ang sabay-sabay na nasawi makaraang tamaan ng kidlat umano ang mga ito sa southern Norway.

Ikinabigla ng mga residente at mga otoridad ang pagkakatagpo ng daan-daang mga patay na reindeer na nakabulagta at magkakatabi sa Hardangervidda plateau, isang national park.

Sa kabuuan, nasa 323 mga reindeer ang natagpuan ng mga gamekeeper sa parke, na isa sa mga pinakamalaking liwasan kung saan malayang nakakagalaw ang iba’t-ibang uri ng hayop.

Paliwanag ng Norwegian Environment Agency, nitong mga nakaraang araw, nakaranas ng malalakas na thunderstorms ang  lugar.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ang malawakang pagkamatay ng mga reindeer sanhi ng kidlat sa kanilang kasaysayan sa kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.