Pag-imprenta ng mga balota para sa Brgy. at SK polls, sinuspinde ng Comelec
Suspendido muna ang pag-imprenta ng mga balota para sa 2016 Barangay at SK polls.
Ayon kay Atty. Genevieve Guevarra, pinuno ng Comelec Printing Committee, epektibo ang suspensyon sa pag-impreneta sa mga balota noong Biyernes, August 26.
Ito ay matapos aniya na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo na suportado niya ang mga panukala sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon para sa Barangay at SK.
Inumpisahan ng Comelec ang pag-imprenta sa nasa 85 million na balota noong August 21.
Ito ay sa kabila ng mga panukala na huwag ituloy ang Barangay at SK elections na nakatakda sa October 31.
Pero ayon kay Guevarra, kung sa Setyembre 1 ay wala pa ring joint resolution mula sa kongreso hinggil sa postponement ng eleksyon, ay itutuloy na nila ang ballot printing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.