Ipo dam, malapit nang maabot ang spilling level; magpapakawala ng tubig ngayong araw
Posibleng magpakawala ng tubig, anumang oras ngayong araw sa Ipo Dam sa Angat Bulacan.
Sa abiso ng PAGASA, alas 6:00 ngayong Lunes, nasa 100.95m na ang antas ng tubig sa dam at inaasahan pang lalong tataas dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan.
Kaunti na lamang ay aabutin na nito ang spilling level na 101.00m.
Ayon sa PAGASA, ang management ng Ipo dam ay nakatakdang magpatupad ng “spilling operation” ngayong araw.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar at nasa palibot ng Angat river sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na bantayan ang sitwasyon partikular ang pagtaas ng water level sa ilog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.