Orange rainfall warning, nakataas pa rin sa Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2016 - 07:43 AM

Orange Rainfall WarningItinaas muli ng PAGASA ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Zambales.

Sa 7AM advisory ng weather bureau, malakas na pag-ulan pa rin ang nararanasan sa nasabing lalawigan at may banta ng pagbaha.

Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Bataan, Tarlac at Pampanga.

Ayon sa PAGASA, may posibilidad din ng pagbaha sa mga mababang lugar na apektado ng yellow rainfall warning.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Nueva Ecija.

Habang sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras, maaapektuhan din ng mahina hanggang katamtaman at minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon,

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod nilang abiso na ilalabas mamayang alas 10:00 ng umaga.

 

 

 

TAGS: Orange rainfall warning raised in Zambales, Orange rainfall warning raised in Zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.