Anti-drug ads, ipapalabas sa sinehan at TV

By Jay Dones August 29, 2016 - 01:41 AM

 

shabuIpapalabas na sa telebisyon at sa may 300 sinehan sa buong bansa ang mga public service announcement na nagpapakita ng epekto ng ipinagbabawal na gamot sa isang tao at sa komunidad.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, mismong ang premyadong director na si Brillante Mendoza ang bumuo ng mga naturang film advertisements.

Ang mga naturang ads aniya ay binubuo ng dalawang 150-second video at apat na 30-second advertisement at sisimulang ipalabas sa September.

Sa pamamagitan aniya ang mga anti-drug ads, ipapakita ang kasamaang kaakibat ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at ang negatibong epekto nito sa lipunan sa kabuuan.

Iginiit ni Andanar na walang ginastos ang pamahalaan sa naturang mga public service announcement at libre rin aniya ang ibinigay na serbisyo ni Mendoza sa pag-direct ng mga ito.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.