“Baby Jade”, may sepsis at comatose pa rin

By Isa Avendaño-Umali August 28, 2016 - 12:15 PM

Litrato mula sa FB account ni Mayor Rex Gatchalian
Litrato mula sa FB account ni Mayor Rex Gatchalian

Bukod sa na-comatose, nagkaroon na rin ang sepsis si Baby Jade, ang sanggol na natagpuan sa basurahan at nakasilid sa plastik sa Valenzuela City kamakailan.

Kaya naman umapela si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa publiko na ipagdasal si Baby Jade.

Nauna nang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na batay sa mga doktor ni Baby Jade, kailangang sumailalim ang sanggol sa cranial ultrasound.

Ayon sa mga doktor ng Valenzuela General Hospital, gagawin nila ang lahat upang maisalba ang bata.

Sa oras na maging maayos ang kundisyon ni Baby Jade, maghahanap ang social workers ng siyudad ng shelter para sa sanggol.

Pero sa ngayon ay nasa kustodiya siya ng City Social Welfare and Development Office.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.