Comelec, umaasa na sasang-ayunan ng Kongreso ang Brgy & SK elections postponement
Umaasa si Comelec Chairman Andres Bautista na madedesisyunan ng Kongreso ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, bago sumapit ang September 1.
Ito ay para hindi umano gaanong maapektuhan ang ginagawa nilang paghahanda.
Pero habang wala pang napagpapasyahan ang Kongreso, nilinaw ni Bautista na tuloy lamang ang kanilang preparasyon para sa nasabing botohan na idaraos sa October 31, 2016.
Nananatili umanong neutral ang Comelec sa panukalang pagpapaliban sa nalalapit na eleksyon, pero sakali mang hindi nga ito matuloy, dapat ay gawin lamang ang pagpapaliban hanggang 2017.
Ayon kay Bautista, ito ay para hindi umano sumabay ang paghahanda sa Brgy at SK elections sa magiging paghahanda para sa 2019 midterm polls.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.