FDA, ipinaalala ang tamang paggamit ng mga insecticide

By Ricky Brozas August 28, 2016 - 11:23 AM

fda-logo-philippinesPinaalalahanan ng Food and Drug Administration O FDA ang publiko hinggil sa tamang paggamit ng mga household insecticide o pamatay ng lamok at insekto.

Nakasaad sa consumer manual ng FDA, kapag bibili ng anumang mosquito repellent, siguraduhing aprubado ito ng ahensya, lalo’t maraming naglipanang produktong hindi naman FDA approved.

Sundin ang instructions kung paano gamitin ang insect spray, katol o lotion.

Ilayo ito sa pagkain at huwag bayaang maabot ng mga bata.

Ayon sa FDA, peligrosong manatili sa isang lugar na may nakabukas na katol o kung nag-spray ng insecticide.

Kapag gagamit naman ng mosquito repellent lotion, dapat mag-skin test muna.

Maglagay ng kaunting mosquito lotion sa braso o sa likod ng tenga at obserbahan muna kung magkakaroon ng reaksyon tulad ng rashes o pangangati.

Hindi rin dapat maglagay ng naturang lotion sa mukha. Pagkatapos magpahid ng insect repellent lotion ay dapat maghugas ng kamay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.