Bagyong Dindo, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Dindo, ayon sa PAGASA.
Ayon pa sa weather bureau, kahit pa nasa labas na ng PAR ang bagyo, patuloy pa rin makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo.
Ito ay bunsod pa rin ng habagat na hinahatak ng nasabing bagyo.
Kabilang sa mga rehiyon at lalawigan na patuloy na uulanin ay ang Ilocos, Cordillera, Zambales at Bataan. Bukod dito, asahan naman ang pulo-pulong mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Sinabi rin ng PAGASA na posibleng gumanda na ang lagay ng panahon sa Metro Manila sa araw ng Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.