Mga militante at environmental group, nagtungo sa regional office ng DENR sa CARAGA, upang magpakita ng suporta sa ahensya
Aabot sa 500 miyembro ng ibat-ibang miltante at environmental group ang nagtungo sa CARAGA Regional Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang ipakita ang kanilang suporta sa pagiging pro people at pro environment na aksyon ng kagawaran sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Gina Lopez.
Ipinanawagan din ni mga raliyista ang pagpaparusa sa mga mining firms na lumabag sa lokal at pambansang batas.
Ilan sa mga nagpadala ng mga kinatawan sa rally ay Nagkahiusang Gagmay’ng Minero (United Small Scale Miners) at ang CARAGA watch, na isang environmental watchdog sa rehiyon ng Caraga.
Kanilang sinusuportahan ang polisiyang idineklara ni Lopez na tanging ang mga mining companies na sinertipikahang responsable sa kanilang pagmimina ang tanging papayagang magpatuloy ang operasyon.
Nauna ng sinabi ni Lopez na dapat magkaroon ng pinakamataas na standards ang mga ito na sang ayon sa ISO 14001 certification na nagsisislbing pamanatayan kung sinusunod ba nito ang mga safety at environment protocols.
Ayon kay memorandum report kaugnay ng rally, sinabi Alilo Ensomo, director ngMines and Geosciences Bureau sa Caraga na kanyang nakausap ang mga raliyista at kanyang siniguro sa kanila patuloy na ginagawa ng ahensya ang lahat para itaguyod ang rensponsableng pagmimina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.