Royal Malaysian police, tumutulong na sa PNP para mahuli si Kerwin Espinosa
Tumutulong na ang Royal Malaysian police sa Philippine National Police (PNP) upang matunton ang kinaroonang ng hinihinalang drug lord na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr.
Ayon akay PNP chief Director General Roland dela Rosa na nagbigay sila ng mga impormasyon sa mga otoridad ng Malaysia ng mga impormasyon kasama ang litarto ng nakakabatang Espinosa.
Mula sa mga immigration records ng Malaysia, lumalabas na nananati pa din si Espinosa sa kanilang bansa.
Dagdag ni Dela Rosa, tanging mga kasama ni Espinosa tulad ng kanyang mga anak at mga kasambahay nito na umalis sa bansa.
Mismong ang kayang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. ang nagdawit sa kanyang anak sa illegal na droga at nanawagan na sumuko na ito ngunit nanatili itong nagtago sa mga otoridad.
Matatandaan na pinangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdawit sa mga Espinsosa na mga drug suppliers sa Eastern Visayas at Central Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.