Dahil sa patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila kaya nagpasya ang Manila International Airport Authority na i-divert sa Clark International Airport ang ilang mga flights.
Mula sa walong flights kagabi ngayon ay umabot na sa labing-isang mga flights ang inilipat sa lalawigan ng Pampanga dahil sa bagyong Dindo.
Sa weather bulletin ng Pagasa kaninang umaga ay kanilang sinabi na magpapatuloy ang masamang lagay ng panahon sa kabuuan ng Metro Manila at ilang mga kalapit lalawigan.
Maulan na rin ngayon sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at Rizal.
Narito ang mga apektadong domestic at international flights.
Cebu Pacific:
5J 990 Gensan-Mnl
5J 566 Cebu-Mnl
5J448 Iloilo-Mnl
5J622 Tagbilaran-Mnl
5J 660 Tacloban-Mnl
5J 628 Dumaguete-Mnl
5J 704 Dipolog-Mnl
PAL Express
2P 2544 Dumaguete-Mnl
2P2058 Caticlan-Mnl
CebGo:
DG6056 Busuanga-Mnl
Turkish Airlines:
TK84 Istanbul-Mnl
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.