Anim na Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Patikul, Sulu
Patay ang anim na miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf kasama ang isa sa kanilang lider sa engkwentro na naganap sa Patikul, Sulu.
Naganap ang engwentro Biyernes ng madaling araw sa Barangay Bunkaong.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Major Filemon Tan, pasado alas 6:00 ng umaga nang magkasagupa ang tropa ng 4th Scout Ranger Batallion ng Philippine Army at nasa isang daang miyembro ng Abu Sayyaf sa sitio Makaita.
Nagtagal umano ng 45-minuto ang sagupaan ng dalawang panig na ikinamatay ng anim na bandido at ikinasugat naman ng 14 na mga sundalo.
Kaugnay nito agad na ipinag-utos ng commander ng 4th scout ranger batallion ang pagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mga nakasagupang mga bandido.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang clearing operation ng militar sa pinagyarihan ng sagupaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.