22 chief of police sa Region 2, sinibak dahil sa bagsak na performance sa paglaban sa drugs

By Ruel Perez August 26, 2016 - 03:21 PM

policeTinanggal na sa kani-kanilang pwesto ang dalawampu’t-dalawang chief of police sa Cagayan Valley region matapos ang umano’y lagpak na performance sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 2 acting director, P/Chief Supt. Gilbert Sosa, nabigo ang 22 chief of police na maipakitang mabisa silang katuwang ng pambansang pulisya sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang operasyon ng iligal na droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.

Sa 22 na sinibak sa pwesto, 12 ay mula sa Isabela, 6 ay mula sa Cagayan, 3 ay mula sa Nueva Vizcaya at 1 ang galing sa Quirino Province.

Ani Sosa, nauna naman niyang binalaan ang mga chief of police at provincial directors noong mag-assume sya sa pwesto na mag-double time sa kampanya kontra droga at kung hindi nila makakamit ang kanilang target sa itinakdang deadline ay sisibakin niya ang mga ito.

Sa ngayon ay naghahanap si Sosa ng mga mas mahuhusay na pulis kapalit ng 22 na mag tatrabaho upang makamit din nila ang kanilang hangarin na maging drug-free ang Region 2.

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.