Hong Kong, nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng Zika virus
Nakapagtala na ng kauna-unahang kaso ng Zika virus sa Hong Kong.
Sa ulat ng Controller of the Center for Health Protection of the Department of Health ng Jong Kong, nagpatupad na sila ng mga hakbang para maiwasan na ang pagkalat pa ng sakit.
Isang 38-anyos na babae umano ang tinamaan ng sakit na nagsimulang makaramdaman ng pananakit ng kasu-kasuan at pamumula ng mata noong August 20.
Malusog umano ang nasabing babae at walang ibang sakit bago tamaan ng Zika.
Nagtaas na ng alerto ang Hong Kong para maiwasan ang paglaganap ng mga lamok na maaring maghatid ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.