Bagyong Dindo, halos hindi nabago ang lokasyon mula kagabi
Halos hindi nabago ang posisyon ng bagyong Dindo simula alas 11:00 ng gabi kagabi.
Sa weather bulletin ng PAGASA ngayong alas kwatro ng umaga, huling namataan ang bagyo sa 965 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers kada oras.
Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong East Northeast sa bilis na 7 kilometers kada oras.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na mauroong isolated thunderstorms ang Ilocos Region, Cantral Luzon at MIMAROPA.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroong isolated rainshowers at thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, nakaranas naman ng maagang pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa thunderstorm.
Sa 4:30AM advisory ng PAGASA, partikular na naapektuhan ng pag-ulan ang Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Pasay at Makati.
Ang Kawit, Sangley Point at Bacoor sa Cavite; at mga lalawigan ng Bataan at Zambales.
Nakaranas din ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Bulacan, Pampanga, Rizal, Batangas, Laguna at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.