Self-driving taxi, sinusubukan na Singapore

By Kabie Aenlle August 26, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer.net/AP

Nagsimula nang magsakay ng mga pasahero ang kauna-unahang self-driving na mga taxis sa buong mundo sa Singapore.

Ilang piling mga indibidwal ang maaring makasakay ng libre sa mga taxi, na paparahin nila gamit ang kanilang mga smartphones.

Ang mga taxi ay operated ng nuTonomy na isang autonomous vehicle software startup.

Bagaman ilang kumpanya na rin, tulad ng Google at Volvo ang nag-test na ng self-driving cars sa mga pampublikong kalsada sa mga nagdaang taon, sinabi nig nuTonomy na sila ang unang nag-alok ng libreng sakay sa publiko.

Dinaig pa ng paglulunsad nito sa Singapore ang Uber, na nagbabalak na rin mag-alok ng byahe gamit ang mga autonomous cars sa Pittsburgh ilang linggo mula ngayon.

Maliit pa lamang ang network ng nuTonomy dahil sa pagsisimula nito ngayon ay mayroon lang silang anim na sasakyan, na target nilang gawing isang dosena sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.