Paghalungkat muli sa pork barrel scam ni Napoles, OK lang sa Ombudsman
Hindi nababahala si Ombudsman Conchia Carpio Morales sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-revisit o babalikan ang kasong Pork Barrel scam ni Janet Lim Napoles.
Sa panayam sa Kamara, tahasang sinabi ni Morales na hindi ‘worried’ ang Ombudsman dahil sa katwirang ang ginawa ng kanilang tanggapan ay kung ano sa palagay nila ay tama at “in accordance with the law”.
Kinumpirma ni Morales na tuluy-tuloy ang fact finding ng Ombudsman hinggil sa mga kasong may kaugnayan sa Pork Barrel scandal, at may nakapending pa sa preliminary investigation.
Subalit inamin nito na sadyang marami ang kanilang hawak.
Aniya, nasa 240 Congressmen ang nabanggit sa audit report, pero target umano ng Ombudsman na matapos ang lahat sa katapusan ng 2017.
Matatandaang idineklara ni President Duterte na irerevisit ang Napoles Pork Barrel scam case dahil sa posibilidad umano na dawit dito ang kanyang kaaway na si Senadora Leila de Lima.
Si Morales ay dumating sa Kamara upang dumalo sa budget briefing ng House Appropriations Committee para sa panukalang 2017 budget ng
Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.