Typhoon Dindo, napanatili ang lakas; mabagal pa rin ang kilos ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2016 - 11:43 AM

Napanatili ng bagyong Dindo ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong South Southwest.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Dindo sa 1,010 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 190 kilometers kada oras.

Mabagal pa rin ang kilos nito sa 7 kilometers kada oras sa direksyon Southwest.

Ayon sa PAGASA, sa Sabado ng gabi o sa Linggo ng umaga ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Wala pa rin itong direktang epekto sa bansa, at ang nakapagpapa-ulan ngayon sa Western Visayas at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Palawan ay ang umiiral na habagat.

 

 

 

 

TAGS: update on typhoon dindo, update on typhoon dindo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.