Pinay inaresto sa Belgium dahil sa bus knife attack

By Kabie Aenlle August 24, 2016 - 04:15 AM

 

knifeIsang Pilipina ang inaresto ng mga Belgian police na umano’y nanaksak at nakasugat sa tatlong katao sa isang bus sa Brussels noong Lunes.

Tinukoy ng mga pulis ang suspek na isang 52-anyos na babaeng mula sa Pilipinas, bagaman naniniwala silang walang political motive ang ginawa nitong pananaksak.

Inakusahan ng attempted murder ang babae na nakatakda pa lang kwestyunin ng mga prosecutors dahil sa ngayon ay ginagamot pa siya matapos mabaril ng mga pulis sa kasagsagan ng insidente na naganap sa isang mataong kalsada.

Ayon kay spokesman Xavier Dellicour, wala pa silang ideya tungkol sa motibo, pero sa tingin nila ay malayong isa itong kaso ng terorismo.

Nakalabas naman na ng ospital ang tatlong sugatan.

Base sa mga ulat ng local media, sinabi ng ilang testigo na nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng No. 38 bus nang biglang maglabas ng kutsilyo ang babae.

Kinailangan siyang dalawang beses na barilin ng mga pulis matapos siyang tumakas ngunit tumanggi siyang makipagtulungan sa mga ito.

Hindi pa naman inilalabas ng mga otoridad ang pangalan ng babae.

Matatandaang naka-high alert ang Brussels matapos ang suicide bombings na isinagawa ng Islamic State doon noong Marso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.