‘Purge’ sa mga appointees, dinepensahan

By Kabie Aenlle August 24, 2016 - 12:55 AM

 

duterte-0607Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang desisyon na pababain sa kanilang mga pwesto ang mga appointees ng kaniyang predecessor.

Ayon kay Ginoong Duterte, kailangan niyang magsagawa ng purge o linisin ang burukrasya upang tuluyan nang masawata ang katiwalian.

Paliwanag ng pangulo, hinahatak ng mga ito pababa ang ating bansa at aminado naman siyang maraming hindi matutuwa sa ginagawa niyang paglilinis sa pamahalaan.

Dagdag pa niya, laganap ang kawalan ng kaayusan sa Pilipinas at ilang bahagi ng pamamahala ay “dysfunctional” rin.

Ito ang dahilan niya kung bakit kinailangan niyang alisin ang lahat ng mga appointees ng mga nagdaang mga pangulo.

Gayunman, kumpyansa ang pangulo na mas matutuwa naman ang milyun-milyong mga Pilipino sa ginagawa ngayon ng pamahalaan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.