20-day status quo ante order sa hero’s burial kay Marcos, inilabas ng Korte Suprema

By Erwin Aguilon August 23, 2016 - 12:18 PM

Ferdinand-Marcos-0922Nagpalabas ng status quo ante order ang Korte Suprema na pipigil sa paglilibing kay dating Pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon sa source mula sa Supreme Court (SC), tatagal ng 20-araw ang kautusan at magiging epektibo kapag natanggap na ng mga partido ang kopya nito.

Nangangahulugan ito na wala munang magaganap na aksyon o wala munang gagawing paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa loob ng dalawampung araw na pag-iral ng status quo ante.

Samantala, ipinagpaliban ng Supreme Court ang nakatakdang oral argument sa mga petisyon na tumututol sa paglilibing kay dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa isinagawang en banc session, Martes ng umaga, napagpasyahan ng mga mahistrado na itakda ito sa August 31.

Nauna nang itinakda ng Supreme Court ang oral arguments ganap na alas 2:00 ng hapon bukas, August 24.

Target ng pamilya Marcos na mailibing ang dating pangulo sa September 18 ng kasalukuyang taon.

 

TAGS: Marcos burial, Marcos burial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.