Ayong Maliksi, hindi na pumapasok sa opisina sa PCSO; no-show din sa budget briefing

By Isa Avendaño-Umali August 23, 2016 - 11:45 AM

maliksiHindi na sumisipot sa trabaho sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang chairman nito na si Ayong Maliksi.

Sa budget briefing ng House Appropriations Committee kung saan nakasalang ang panukalang pondo ng PCSO para sa 2017, kinumpirma ni PCSO Vice Chairman at General Manager Jose Ferdinand Rojas II na dalawang linggo nang hindi pumapasok sa opisina si Maliksi.

Pero may taong nagtungo raw sa PCSO at kinausap si Maliksi, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nabatid na ang tao ay chief-of-staff ng isang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Rojas na mula noon ay hindi raw raw nagpakita si Maliksi sa PCSO dahil na rin sa ‘delicadeza.’

At maging sa budget briefing sa kamara ngayong araw ay no-show si Maliksi, at sa halip mga kinatawan ng PCSO lamang ang dumalo.

Kinumpirma rin ni Rojas na ang buong board ng PCSO ay maghahain na ng courtesy resignation sa Presidente, alinsunod sa utos nito na bakantihin ang mga appoitive positions sa gobyerno.

Sa kabila nito, siniguro ni Rojas na hindi maapektuhan ang operasyon sa PCSO.

Pagdating naman sa policy making, maaaring may kaunting pagbabago dahil mawawalan ng miyembro ang PCSO board, hanggang sa makapag-appoint ng mga bagong set ng board members.

 

TAGS: Ayong Maliksi, Ayong Maliksi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.