Chopper na susundo sana sa mga rescuer sa Gen. Nakar, nawawala
Isang chopper na susundo sana sa mga rescuer ng mga nasawing minero sa ginagawang tunnel sa Sumag River, Umiray, Gen. Nakar, Quezon ang pinaghahanap ngayon.
Ayon kay Lt. Col. Ramil Anoyo, commander ng 48IB ng Philippine Army lumipad ang civilian chopper na may body number RP-C2688 alas 12:00 ng tanghali kahapon mula sa MWSS Compound, Barangay Bigte, Norzagaray, Bulacan subalit alas 4:00 na ng hapon ay hindi pa nakakarating sa Sumag River.
Sinabi ni Col. Anoyo, hindi rin macontact ang piloto nito na si Ret. Airforce Colonel Miguel Lobronio kasama ang kanyang co-pilot na si Jay Gregorio.
Ayon sa opisyal 15-20 minuto lamang ang biyahe mula sa Barangay Bigte patungong Sumag river.
Pasado alas 5:00 ng hapon ayon kay Col. Anoyo, na-detect ang kinaroroonan ng chopper sa layong tatlong kilometro mula sa Sumag River.
Susunduin sana ng nasabing chopper ang mga rescuer mula sa Philex Mining matapos matagpuan ang bangkay ng dalawa pang nawawalang minero.
Nawawala ang chopper na ito na susundo sana sa mga rescuer sa Gen. Nakar | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/b97w57sEx8
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 23, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.