Joma Sison, positibo ang pananaw sa pagsisimula muli ng peace talks

By Kabie Aenlle August 23, 2016 - 04:51 AM

 

Mula sa josemariasison.org

Nagpahayag si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ng kanilang kahandaan na makipagtulungan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang pagkakasundo nila at ng pamahalaan.

Sinabi ito ni Sison sa kaniyang opening remarks sa unang araw ng panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng pamahalaan.

Kinilala ni Sison ang kagandahang loob at pagiging mapagbigay ni Pangulong Duterte sa CPP mula sa pangako nitong pagpapalaya sa mga political prisoners, hanggang sa pagta-talaga ng mga maka-kaliwa sa Gabinete.

Dahil rin aniya sa pagiging lokal na opisyal ni Duterte noon sa Davao City, alam niya kung paano makipag-ugnayan sa mga revolutionary forces, at naniniwala siyang isa itong pangulong marunong umintindi at tumanggap ng mga prinsipyo ng national democratic movement.

Ipinunto niya pa na magaling ang pagpili ng pangulo sa isang peace adviser na may karanasan at kakayahan tulad ni Sec. Jesus Dureza, pati na ang pagbuo niya ng negotiating panel na may mga miyembro na may pagmamahal sa bayan.

Kaisa aniya sila ng mga Pilipino sa pagdiriwang sa mahalagang kaganapan na ito na naglalayong magdala ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Handa rin aniya ang CPP, NPA at NDFP na makipagtulungan sa administrasyong Duterte sa pagsusulong ng makatarungang “national and social liberation” laban sa foreign at feudal domination.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.