Mag-asawang Tiamzon nasa Oslo, Norway na para sa peace talks

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2016 - 06:12 PM

 

Inquirer Photo | Kristine Mangunay
Inquirer Photo | Kristine Mangunay

Dumating na sa Oslo, Norway ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon para sa unang bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.

Matatandaang pansamantalang pinalaya ang mag-asawang Tiamzon mula sa pagkakabilanggo sa Philippine National Police Custodial Center para makabiyaheng Norway, kasama ang iba pang mga matataas na lider ng komunistang grupo.

Kahapon (August 20), umalis ang mga Tiamzon at makalipas ng apatnapu’t walong oras na biyahe ay nakarating na sila sa Oslo.

Si Benito ang chairman ng CPP habang si Wilma ang secretary general.

Pangungunahan nila ang tatlumpung NDF members na kasama sa grupo ng mga komunista na gustong makabuo ng peace deal sa gobyerno.

Bukod sa mag-asawang Tiamzon, inaasahang dadalo rin ang iba pang NDF consultants, at political prisoners na pinayagang maglagak ng piyansa upang makasali sa peace negotiations.

Ang Royal Norwegian government ang sumagot sa transportasyon at lodging ng mga NDF participant

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.