Southern Luzon at Visayas, patuloy na makararanas ng mga pag-ulan hanggang sa Martes

By Mariel Cruz August 21, 2016 - 03:16 PM

HABAGAT
Larawan mula sa PAGASA

Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang silangang bahagi ng Luzon at ang Visayas.

Ito ay bunsod pa rin ng Habagat.

Sa pinaka-latest weather update na inilabas ng PAGASA, partikular na maaapektuhan ng mga pag-ulan ang MIMAROPA, Bicol, Western Visayas at Negros Island hanggang sa araw ng Martes.

Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng flash floods at landslides sa residente sa mga probinsya ng Mindoro, Antique, Capiz, Aklan, Masbate, Albay at Sorsogon.

Sinabi rin ng weather bureau na mayroon silang binabantayang low pressure area sa 420 kilometers east northeast ng Catanduanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.