Mga alkaldeng pinangalanan ni Duterte na sangkot sa ilegal na droga, sunod na kakasuhan

By Mariel Cruz August 21, 2016 - 01:53 PM

duterte malakanyang photoIsusunod nang kasuhan ang mga alkalde na pinangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa ilegal na droga.

Bukod dito, sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar na nakatakda nang maghain ng kaso bukas, araw ng Lunes ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa dalawang police general na una nang isinangkot ng pangulo sa drug trade.

Pagkatapos aniya nito ay isusunod nang kasuhan ang mga mayor na nakitaan ng sapat na ebidensya.

Binanggit din ni Andanar na may hawak si Duterte na panibagong listahan ng mga tinaguriang ‘narco-politicians’.

Matatandaang dalawang linggo na ang nakakalipas nang pangalanan ni Duterte ang mga judge, politicians at mga pulis na may koneksyon umano sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.

Una dito, ibinunyag din ng pangulo ang limang active at retired police general na protektor umano ng drug lords.

Kabilang dito sina Chief Superintendents Bernardo Diaz at Edgardo Tinio, Director Joel Pagdilao at mga retiradong heneral na sina Marcelo Garbo at Vicente Loot na ngayon ay alkalde ng Daanbantayan sa Cebu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.