TINGNAN: Canadian PM Trudeau, naka-barong tagalog na nag-ihaw ng barbeque
“Serving up a Taste of Manila with Toronto’s Filipino community today. Mabuhay!”
Yan ang post sa social media ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na ibinahagi pa ang mga litrato kung saan nakasuot siya ng Barong Tagalog at apron, sabay ihaw pa ng mga barbeque.
Sa ulat ng Toronto Star, sa Trudeau ay umakyat pa sa entablado at sinabi sa mga dumalo ang kahalagahan ng multiculturalism sa Canada.
At hindi lamang palakpak ang natanggap ng Canadian Prime Minister mula sa Filipino community, kundi hiwayan at pasasalamat.
Sa kasalukuyan, mahigit 30 thousand na ang likes ng naturang post sa Facebook.
Komento naman ng mga Filipino netizen, ‘nakakakilig’ na makita na suot ni Trudeau ang Barong Tagalog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.