Dalawang suspek sa pagnanakaw at pamamaril sa anak ng isang mamamahayag, arestado
Arestado ang dalawang suspek sa pagnanakawa at pmamaril sa 24 na taong gulang na ank ng isang TV journalist noong nakaraang linggo na pinaniniwalaang ding responsible sa mga insidente ng hold up sa mga commuter sa EDSA-Quezon Avenue.
Sa isinagawang operasyon ng QCPD natunton nila sina Ronnie Espinosa at Arjel Lagandora, na nahaharap sa kasong may kaugnayan sap ag atake kay kay Jan Dexter Rafiel Concepcion noong gabi ng August 8.
Si Concepcion ay isang information technology specialist at anak ng journalist na si Quinnie Casimoro na binaril sa diddib matapos tumanggi itong ibigay ang cellphone sa mga suspek.
Nanatili pa din sa kasalukuyan ang biktima sa ilalim ng intensive care sa ospital.
Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na positibong itinuro ng isang witness na ang dalawang suspek.
Ang biktimang si Concepcion ay nagbigay ng 80 percent confirmation na ang dalawa ang umatake sa kanya.
Kaugnay nito, inamin nng naturang dalawang suspek na kanila ngang ninakawan at binirail si Concepcion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.