177 Indonesians, arestado sa paggamit ng PH passport
Umabot na sa 177 na Indonesians ang nadakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng Philippine passport.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Antonette Mangrobang kasama din sa nadakip ang limang Pinoy na umanoy tumulong sa mga dayuhan para makakuha ng pasaporte.
Isinailalim umano surveillance ng Intelligence Division ng BI ang mga dayuhan.
Dalawa sa mga nadakip ay nasa lookout bulletin ng ahensya.
Sinabi ni Mangrobang na papasakay sana sa isang flight patungong Saudi Arabia ang mga dayuhan nang sila ay harangin.
Sa ngayon ay nakadetain sa pasilidad ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang mga dinakip na Indonesians.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.