Santiago, bukas pa rin sa pagtakbong pangulo

July 22, 2015 - 12:36 PM

file inquirer
Inquirer File Photo

Pinag-aaralan na ni Senator Miram Defensor-Santiago na sumabak sa 2016 Presidential elections.

Ito ay kasunod na rin ng inilabas na resulta ng survey ng news website na Publicus Asia kung saan pumangalawa siya kay Senator Grace Poe bilang “preferred presidential candidate” ng mga natanong sa survey.

Sumusunod kay Santiago sina Vice President Jejomar Binay, Senator Francis Escudero, Mayor Rodrigo Duterte, at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas.

Nakatutuwa ayon kay Santiago na bagaman isang taon na siyang hindi aktibo bilang senador dahil sa nararanasang stage 4 lung cancer ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng tao.

Kasabay nito, ipinagmalaki ni Santiago na nakontrol na ng kanyang mga doktor ang pagkalat ng kanyang cancer cells sa kaliwang baga.

Katunayan nagagawa na umano niyang maglakad ngayon ng dalawang kilometro ang layo kada araw.

Nitong July 17 aniya ay nagkaroon ng pagpupulong ang kaniyang mga local doctors kay Dr. Mark Kris, medical oncologist at chief ng Thoracic Oncology Service sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York kung saan nadiskubre na nakontrol na ang pagkalat ng cancer cells sa kaniyang katawan.

Matatandaan na noong May 1992 ay tinalo ni Retired General Fidel Ramos si Santiago sa pagkapangulo. Pero iginiit nito na siya ay nabiktima ng pandaraya./ Chona Yu

TAGS: miriam santiago, Radyo Inquirer, miriam santiago, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.