Bagamat lumakas ang ekonomiya ng bansa, hindi ito gaanong ramdam ng publiko.
Ayon sa ilang mga analysts, dahil sa malakas na domestic demand at ang masiglang election related-spending tumaas and economic growth ng bansa.
Sa ilalim ng huling tatlong buwan ng nakaraang Aquino administration, tumaas sa 7 percent ang Gross Domestic Product ng Pilipinas.
Gayunman, bagamat masaya ang mga ekonomista sa paglago ng ekonomiya, hindi naman ito napapansin ng ordinaryong mamamayan.
Para sa maraming Pilipino, mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at maging singil sa kuryente at tubig.
Marami pa rin ang lugmok sa kahirapan dahil sa iba’t-ibang kalamidad tulad ng baha at tagtuyot.
Umaasa ang mga Pinoy na mararamdaman nila sa kalaunan ang sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.