Umano’y ‘White house’ ng driver ni De Lima, natunton ng Inquirer

By Inquirer Northern Luzon, Jay Dones August 19, 2016 - 04:31 AM

 

Ray Zambrano/Inquirer Northern Luzon

Natunton ng Inquirer ang bahay kung saan nakatira umano ang driver ni Sen. Leila De Lima sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Ang naturang tahanan na gawa sa konkreto at pininturahan ng puti ang sinasabi umano na bahay na iniregalo ni De Lima kay Ronnie Palisoc Dayan na ibinunyag ni Pangulong Duterte kamakailan.

Gayunman, ilan sa mga residente ng Bgy. Galarin kung saan matatagpuan ang ‘white house’ ang tumangging kumpirmahin kung ang naturang bahay nga ang sinasabing regalo ng dating kalihim sa kanyang driver.

Ngunit ilan sa mga ito ay nagsabing nakikita nila si De Lima sa bahay sa tuwing bumibisita ito sa Urbiztondo.

Nakikita rin umano ang kalihim at si Dayan dati na namimili sa palengke sa bayan.

Isa pang bahay sa di kalayuan ng ‘white house’ ay isang orange na bungalow ang matatagpuan kung saan nakatira naman umano ang mga anak ni Dayan .

Dati umanong nakatira ang pamilya Dayan sa isang maliit na bahay sa naturang barangay.

Gayunman, nang lumipat nang ibang probinsya ang misis ni Dayan, lumipat na sa malaking bahay ang driver ni De Lima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.