Kasalanan ni De Lima kung bakit siya binanatan ng pangulo-Panelo
Walang nakikitang rason ang palasyo ng Malakanyang para humingi ng paumanhin ang Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Leila de Lima.
Ito ay matapos ihayag kahapon ng pangulo na karelasyon ni De Lima ang kanyang driver at ito umano ang nangolekta ng drug money sa Muntinlupa para ipang-pondo sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa katatapos na eleksyon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, malinaw na impormasyon at hindi akusasyon ang naging pahayag ng pangulo.
Iginiit pa ni Panelo na kasalanan ni De Lima kung kaya nagkaroon sila ng maanghang na palitan ng salita ng Pangulong Duterte.
Malinaw aniya na sa nakalipas na anim na taon, pawang paninira lamang ang ginawa ni De Lima sa pangulo lalo na noong siya pa ang chairperson ng Commission on Human Rights.
Pilit daw kasi na idinadawit ni De Lima si Duterte sa Davao Death Squad, pero sa halip na kasuhan sa korte ang dating alkalde, hindi ito ginawa ng senadora.
Iginiit pa ni Panelo na ang pahayag ng pangulo laban kay De Lima ay bilang isang public official at ang demeanor nito.
“Tandaan niyo, the information given by President Duterte is in relation to her being a public official and her demeanor as one. So that encompasses within the duty of the President to serve and protect the people and to inform the state of the nation of whatever is being done by the government officials and whatever situation we are in now,” dagdag ni Panelo. / Chona Yu
Excerpt: Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, malinaw na impormasyon at hindi akusasyon ang naging pahayag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.