Milyonaryang businesswoman dinidigahan ng isang dating Metro Manila Mayor-Wacky Leaks ni Den Macaranas

August 19, 2016 - 12:12 AM

 

den-macaranas1Sinubukang muling ligawan ng isang dating Metro Manila Mayor ang isang may edad na ring negosyante na naging girlfriend at business partner niya sa mga nakalipas na taon.

Pero hindi naka-hirit si Sir dahil madly, deeply in-love ngayon ang mayamang negosyante sa kanyang batam-batang boyfriend.

Sinabi ng ating Cricket na broke ngayon si ex-Mayor kaya muli siyang dumidikit sa mayamang businesswoman.

Malawak na ang business empire ng nasabing negosyante at meron na rin siyang bangko sa isang lalawigan na malapit lang sa Metro Manila.

Kilala ang negosyante sa ating kwento na madaling ma-inlove kung saan marami sa kanyang mga naging boyfriend ay pawang mga taga-shiwbiz.

Pero ganun talaga ang buhay seguro dahil kung anong swerte nya sa negosyo ay lagi naman siyang nagogoyo pag-dating sa pag-ibig.

Si Mr. Ex-Mayor naman ay nagbabakasakali lang dahil walang-wala na raw siya ngayon ayon sa ating Cricket.

Ang mahirap nito, wala na nga sa pwesto pero nahaharap pa siya sa sangkatutak na kaso ng graft dahil sa kanyang mga kalokohan noong siya’y nasa pwesto pa sa pamahalaan.

Ilang taon na ang nakalilipas ay kinasuhan ng negosyante ang dating mayor dahil ibinulsa daw nito ang kita ng kanilang pinagsamahang negosyo.

Pero hindi rin tumagal ang kaso dahil pumagitna na ang ilan sa kanilang mga common friends.

Kaya naman nang minsang mangailangan ng malaking pera ay biglang naalala ng dating local official na suyuin ang dating karelasyon.

Ang mayor na nagbabakasakali sa dating girlfriend na super yaman na ngayon ay si Mayor M….as in Macho.

Ang negosyante naman ay si Madam D….as in Datung.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.