PNP chief Dela Rosa, pinabulaanang may kinalaman sa mga patutsada ni Duterte kay De Lima

By Ruel Perez August 17, 2016 - 07:20 PM

Ronald Dela Rosa2Mariing itinanggi ni Philippine National Police chief Director Ronald “Bato” dela Rosa na may kinalaman siya sa mga binitiwang patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang senadora na nakikinabang umano sa operasyon ng iligal na droga.

Sa ambush interview kay Dela Rosa, iginiit ng mataas na opisyal na wala silang ganitong hawak na impormasyon sa ngayon kasabay ng pagsasabing maraming pinanggagalingang impormasyon ang pangulo at hindi lamang sa PNP.

Dahil dito, nangangamba si Dela Rosa na baka personalin naman sila sa Senado kapag humarap sila sa imbestigasyon sa susunod na Linggo dahil lamang sa isyung ito kaya iginiit nito na wala silang alam sa source ng pangulo.

Pero pagtitiyak ni Dela Rosa, hindi makakaapekto sa gagawin nilang pagharap sa Senado ang paglutang ng nasabing kontrobersiya.

Iginiit din ng PNP chief na tututok sila sa pagsagot at pagbibigay ng kailangang impormasyon ng Senado kaugnay sa isyu ng extra juducial killings na nangyayari sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.