FOI Bill, ipapasa ng Kongreso bago matapos ang 2016

By Isa Avendaño-Umali August 17, 2016 - 06:52 PM

FOIIsasaprayoridad ng House Public Information Committee ang pag-apruba at pagsasabatas sa Freedom of Information o FOI bill.

Ayon kay ACT PL Rep. Antonio Tinio, ang itinalagang chairman ng Public Information Panel ngayong 17th Congress, malaki ang tsansa na mapagtibay ang FOI bill bago magtapos ang 2016, kahit abala pa ang mga Mambabatas sa pagtalakay sa 2017 national budget.

Pero kumpiyansa si Tinio na mailulusot sa 17th Congress ang FOI Act dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsaprayoridadndito.

Patunay dito ang pag-iisyu niya ng Executive Order upang maisakatuparan ang FOI at transparency sa buong Ehekutibo.

Sinabi ni Tinio na malaki ang maitutulong nito para mapadali ang trabaho ng Kongreso para sa pagpasa sa FOi bill.

Garantisado rin aniya na hindi malabnaw o watered-down ang FOI version na maipapasa sa Kongreso.

Kumbinsido naman ang Mambabatas na hindi na mauulit ang nangyari noong Aquino administration na naupan hanggang sa pinatay ang FOI bill, kahit pa campaign promise niya ito.

Sa kasalukuyan, hindi bababa sa lima ang FOI bills na naihain sa Kamara, kasama na ang bersyon ng Makabayan Bloc at FOI champions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.